Home NATIONWIDE Thunderstom nakaamba sa Metro Manila, 7 pang lugar

Thunderstom nakaamba sa Metro Manila, 7 pang lugar

MANILA, Philippines- Nagpalabas ang weather bureau PAGASA ng thunderstorm warning sa Metro Manila at ilang bahagi ng Central Luzon hanggang alas-7:30 ng umaga nitong Lunes.

Sa abiso, sinabi ng PAGASA na makararanas ang mga sumusunod na lugar ng moderate to heavy rainshowers na sasabyan ng kidlat at malakas na hangin sa sunod na dalawa hanggang tatlong oras.

  • Metro Manila

  • Tarlac

  • Pampanga

  • Nueva Ecija

  • Batangas

  • Bulacan

  • Rizal

  • Quezon

Samantala, namataan ang Low Pressure Area malapit sa Philippine area of responsibility na tinatayang 1,155 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon hanggang kaninang alas-3 ng madaling araw. RNT/SA