MANILA, Philippines- Nagpahiwatig si Sen. Nancy Binay ng pagtakbo sa 2025 bilang Makati City mayor, pwestong kasalukuyang hawak ng kanyang kapatid na si Abby Binay.
Sa kanyang social media account nitong Linggo, nag-post si Binay ng mensahe: “Ready to serve … #Makati2025.”
Kalapkip ng post ang larawan niya hawak ang heart-shaped sign na may nakasulat na “100%,” tanda ng kanyang buong commitment.
Inisyal na nag-alinlangan ang senador sa pagtakbo sa pwesto, dahil sinabi ni Abby na nais niyang ang asawa niyang si Makati Rep. Luis Campos ang pumalit sa kanya bilang alkalde.
Subalit sinabi ni Nancy na “a growing public clamor” para kumandidato siya ang nagpatibay sa kanyang desisyon.
Base kay Binay, bukas siya sa pakikipag-usap sa kampo ni Campos, at sinabing ayaw niya ng anumang alitan sa kanilang pamilya. RNT/SA