Home METRO Tiangco hinimok DFA na kanselahin passport ni dating Rep. Zaldy Co

Tiangco hinimok DFA na kanselahin passport ni dating Rep. Zaldy Co

335
0

MANILA, Philippines – Muling nanawagan si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang passport ni dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co, na nasasangkot umano sa maanomalyang flood control projects at kasalukuyang nasa ibang bansa.

Ayon kay Tiangco, malinaw sa Article III, Section 6 ng Konstitusyon na ang karapatang maglakbay ay maaaring limitahan para sa pambansang seguridad, kaligtasan ng publiko, o pampublikong kalusugan, kahit walang utos ng korte.

“May batas, may kapangyarihan, at may paraan. Kung gusto, may paraan; kung ayaw, may dahilan,” ani Tiangco, sabay giit na dapat ipakita ng DFA ang tunay na pakikiisa nito sa paghahatid ng hustisya.

Dagdag pa ng kongresista, hindi dapat payagan na makalusot at manatiling ligtas sa ibang bansa ang mga mambabatas habang ang mga kontratista lamang at opisyal ng DPWH ang pinapanagot. “Hindi tatanggapin ng publiko ang ganitong kalakaran,” aniya. Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here