MANILA, Philippines- Plano ng grupong Manibela na palawigin ang kanilang tigil-pasada hanggang Biyernes sa halip na orihinal na tatlong araw lamang.
Ito ay matapos ihayag ng gobyerno na nabigo ang grupo na iparalisa ang public transporation system sa unang dalawang araw ng welga.
Para kay Manibela Chairman Mar Valbuena, ang Department of Transportation (DOTr) ay tila kulang sa “sense of urgency,” na sinasabing tumawag lamang ang ahensya ng dayalogo pagkatapos nilang mag-anunsyo ng welga.
Dagdag pa ni Valbuena, bagama’t nakipag-ugnayan na sa kanya ang isang kawani ng DOTr tungkol sa posibleng dayalogo noong Biyernes, nais niyang marinig mismo si Secretary Vince Dizon.
May kondisyon din si Valbuena bago pumayag sa pumasok sa dayalogo, ang unconsolidated jeepney operators at drivers ay dapat libreng makabiyahe sa ruta habang nagpapatuloy ang negosasyon.
Nauna nang sinabi ni Dizon na ang renewal ng PAs ay isang bagay na kanyang tinitingnan, ngunit hiniling ang dalawang linggo bago magdesisyon sa nasabing usapin.
Noong Martes, nagsagawa ng talakayan si Dizon sa kampo ng pro-modernization na tinanggap ang pangako nito sa programa.
Hinangad din nilang mapabilis ang yugto ng rasyonalisasyon ng ruta para hindi na kailangang makipagkompitensya ang mga modernong jeepney operator sa iba pang PUV o sa Libreng Sakay bus para sa mga pasahero.
Sinabi nila na ang programa ng libreng sakay ng Quezon City, partikular, ay isa sa mga dahilan kung bakit ang ilan ay nahihirapang magbayad ng kanilang mga utang— kaya’t naniniwala silang pansamantalang huminto ang mga bangko ng gobyerno sa pagbibigay ng mga pautang sa pinagsama-samang transport entities.
Samantala, nangako rin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFTB) na magbibigay ng higit na gabay sa mga kooperatiba at korporasyon, lalo na sa mga bagong tatag.
Nauna nang kinumpirma ng ahensya na sa 86 porsyento na nagsign-up para sa konsolidasyon, kalahati pa lang ang naaprubahan hanggang ngayon at marami pa rin ang nahihirapang sumunod sa ilang mga kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden