MANILA, Philippines – Nais ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na magkaroon ng ceasefire o tigil-putukan sa hanay ng militar at rebeldeĀ ngayong Holiday Season.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Sec. Carlito Galvez na dapat isaalang-alang ng mga rebelde ang kapayapaan, pagmamahalan at pagkakaisa na siyang tunay na diwa ng Pasko.
Gayunman, nilinaw ni Galvez na wala siya sa posisyon para magdeklara ng tigil-putukan dahil ito ay kailangan magmula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)