Home ENTERTAINMENT McCoy, hinamon ng suntukan si Joshua?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES McCoy, hinamon ng suntukan si Joshua?December 12, 2024 16:24 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Gaano katotoo ang tsika na nakarating sa amin na hinamon daw ng suntukan ni McCoy de Leon si Joshua Garcia?Ang bali-balita, nagalit daw umano si McCoy kay Joshua.Ito ay pagkatapos na pumutok ang isyu tungkol sa diumano’y ‘momolan’ na naganap kina Joshua at Elisse sa isang event ng Star Magic.Sobrang upset din daw si McCoy kay Joshua kaya tila bet nitong mang-umbag at karerin ang role ng pagiging bad boy sa tunay na buhay.Tinawagan daw ni McCoy si Joshua at diumano’y may pagbabantang naganap.Ito rin daw ang dahilan kaya may bitbit nang bodyguards si Joshua para sa kanyang seguridad.Bukod dito, may mga tsika pang namemeligro raw ang relasyon ng McLisse.Sana naman ay hindi totoo ito lalo pa’t bago mag-Pasko ay waring pa-intense nang pa-intense ang mga sunod-sunod na mga pasabog.Let’s spread love and positive vibes na lang.Bukas naman ang pahinang ito sa panig mg dalawa. Archie Liao