Home IN PHOTOS TIGNAN: Villar lumahok sa Tuna Congress

TIGNAN: Villar lumahok sa Tuna Congress

MANILA, Philippines – Bilang chairperson ng Senate Agriculture and Food, nangako si Senador Cynthia A. Villar na patuloy siyang gagawa at magsusulong ng mga batas para sa paglago ng tuna industry ng bansa.

Guest Speaker si Villar sa 23rd Tuna Congress na idinaos sa General Santos City.

Lumahok sa two-day Tuna Congress ang industry stakeholders at gumawa ng 24 resolutions na kanilang inendorso kay Villar at sa House of Representatives para sa paggawa ng mga batas, pati na rin sa BFAR at Mindanao Authority.

Pinuri rin ng senador sa mahalagang pagtitipon na ito si Dominic Salazar, National Tuna Congress chairman at Soccsksargen Federation of Fishing and Allied Industries President. RNT