Manila, Philippines- Inamin ni Dingdong Dantes na nagdadalawang-isip siya the night before he was scheduled for a live interview on Fast Talk with Boy Abunda.
Of late, nabuhay na naman ang luma nang isyu linking him to former Kapuso star Lindsay de Vera.
Laman kasi ito ng blind item na agad ikinunek kay Dingdong dahil “family man” ang paglalarawan sa subject.
Noon pa ma’y nilinaw na ito ng mga personalidad na sangkot.
Dating magkasama sina Dingdong at Lindsay sa Alyas Robinhood ng GMA.
For Dingdong, clueless daw siya kung bakit muling binubuhay ang matagal nang isyu.
Bagama’t bantulot kung sisipot sa Fast Talk nitong May 9, Huwebes, the GMA Primetime King saw the need to clarify the issue.
“I love my family, my wife, my kids. I have a responsibility to clear this up…hindi po totoo ‘yan!” ani Dong.
Kahit naman daw pumutok ‘yon noon ay tinatawanan lang daw nila ito ni Marian Rivera, ang kanyang kabiyak.
Kaso nga lang daw ay hindi na mapigilan ang tila walang humpay na barrage of calls from relatives and friends alike.
Much as he wanted to simply dismiss the talk ay minabuti na rin ni Dingdong na sagutin ito.
Dingdong’s Fast Talk guesting should end this nasty rumor. Ronnie Carrasco III