Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Indonesia, binabantayan ng DMW sa epekto ng matinding pagbaha

Mga Pinoy sa Indonesia, binabantayan ng DMW sa epekto ng matinding pagbaha

MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng Migrant Workers Office sa Singapore (MWO-SG) ang epekto sa mga Filipino community ang matinding pagbaha at mudslide sa West Sumatra, Indonesia, na nangyari sa nakaraang linggo.

Iniulat ng gobyerno ng Indonesia na ang Agam at Tanah Datar districts malapit sa Padang sa West Sumatra ay ang matinding naapektuhang lugar.

Ang bilang ng mga namatay sa ngayon ay 41 na habang marami pa ang nawawala.

“The Philippine Embassy in Jakarta (PE-Jakarta) has yet to receive reports that OFWs or Filipino nationals were harmed or injured. MWO-SG is coordinating closely with PE-Jakarta to monitor the situation.”

Ang Punong Tanggapan ng DMW ay maglalabas ng karagdagang mga bulletin kung kinakailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden