Home NATIONWIDE 41 patay, 17 nawawala sa baha sa Indonesia

41 patay, 17 nawawala sa baha sa Indonesia

This handout aerial image taken and released by Indonesia's Disaster Mitigation Agency (BNPB) on May 12, 2024, shows the damaged area after flash floods and cold lava flow from a volcano in Tanah Datar, West Sumatra. At least 34 people have died and 16 more were missing after flash floods and cold lava flow from a volcano hit western Indonesia, a local disaster official said on May 12. (Photo by Handout / INDONESIA DISASTER MITIGATION AGENCY / AFP) / RESTRICTED TO EDITORIAL USE - MANDATORY CREDIT "AFP PHOTO

INDONESIA – Umakyat na sa 41 ang bilang ng mga nasawi sa pagbaha at lava flow mula sa bulkan sa western Indonesia.

Kasabay nito ay umabot naman sa 17 ang nawawala.

“Data as of last night, we recorded 37 dead victims… But from this morning it has grown again, the figure reached 41 (dead),” sinabi ni Ilham Wahab, West Sumatra disaster mitigation agency nitong Lunes, Mayo 13.

Matatandaan na sinalanta ng matinding pagbaha ang dalawang distrito sa Sumatra nitong Sabado ng gabi dahil sa ilang oras na malakas na pag-ulan.

Rumagasa ang baha na may kasama pang abo at malaking bato mula sa Mount Marapi.

Tatlo ang nawawala sa Agam district habang 14 mula sa Tanah Datar, ang pinakanapuruhang mga lugar sa pagbaha.

Hindi naman makumpirma ang bilang ng mga residente inilikas. RNT/JGC