Home METRO Tindahan ng construction supplies nasunog sa Bulacan

Tindahan ng construction supplies nasunog sa Bulacan

Bulacan – Isang malakas na sunog ang kasalukuyang tumutupok sa isang home improvement and construction supplies store sa lungsod ng Baliwag.

Sa inisyal na nakalap na impormasyon, naganap ang sunog bandang 11:30 ng umaga nitong Miyerkules, Abril 24 sa naturang establisimento sakop ng Brgy. Tarcan.

Nalamang itinaas sa 2nd alarm ang sunog bandang 11:39 ng umaga habang nasundan ng 3rd alarm ganap na 11:46 ng umaga at 11:56 ng umaga ay pumalo sa 4th alarm.

Dahil dito, nagdulot ng makapal at maitim na usok ang nasabing sunog dahil umano sa maraming mga furniture at light materials ang laman umano ng tindahan.

Nagtulong-tulong naman ang mga pamatay sunog mula sa ibat-ibang bayan sa lalawigan at karatig lugar.

Sinusulat ito, patuloy pa rin ang pagapula ng bumbero habang walang naitalang nasaktan, hindi pa rin matukoy ang sanhi at halaga ng napinsalang ari-arian.

Kaugnay nito, asahan ang mabagal na daloy ng trapiko sa naturang lugar.(Dick Mirasol III)