QUEZON CITY, Philippines – Sinagot ni Konsehal Mikey Belmonte kasama ang iba pang opisyal ang mga tanong ng media sa ginanap na press conference ng MB Cup Season 2 sa MRB Gym sa Quezon City nitong Biyernes.

Ang city wide league na binubuo ng 114 teams ngayong season ay naglalayong bumuo ng mga batang atleta mula sa grassroots level sa QC at naglalayong bumuo ng sustainable sports program para sa pangmatagalang pag-unlad ng kabataan. DANNY QUERUBIN









