MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Senator Bam Aquino, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, ang talakayan hinggil sa lumalalang krisis sa edukasyon, partikular sa kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.
Iginiit ng senador na hindi lamang simpleng kakulangan ng classrooms ang problema, kundi konektado ito sa mas malalaking isyu gaya ng sira at luma nang pasilidad, siksikan na mga estudyante, at hindi maayos na sistema sa pagpapatayo ng mga paaralan. CESAR MORALES