Home NATIONWIDE Titser inutas ni mister sa iskul

Titser inutas ni mister sa iskul

284
0

TACLOBAN CITY — Isang public school teacher ang binaril at napatay ng kanyang mister sa loob ng classroom sa Matalom, Leyte kahapon ng umaga, ayon sa report ng Police Regional Office 8 (PRO-8).

Ito ang ikalawang shooting incident sa school campus sa Leyte ngayong buwan.

Noong October 16, isang teacher sa Tanauan, Leyte, ang binaril at nasugatan ng kanyang naburyong na asawa sa loob din ng klasrum. Nahuli ang mister at selos ang motibo sa krimen.

Sa Matalom, kinilala ang biktima na si alias “Ellen,” 39, teacher ng Agbanga Elementary School sa Barangay Agbanga, Matalom. Binaril siya at napatay ng mister na si alyas “Lino,” 49, istambay ng Barangay Caridad Sur, Matalom.

Batay sa police report, nangyari ang insidente bandang 11:05 a.m. sa loob ng classroom ng co-teacher ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, tumakbo sa nasabing klasrum ang biktima para humingi ng tulong dahil hinahabol siya ng suspek na armado ng baril.

Nang maabutan, walang sabi-sabing pinagbabaril siya ng mister hanggang sa mamatay noon din.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek, sakay ng Suzuki minivan patungong Matalom proper.

Nagsasagawa na ng hot pursuit ang Matalom Municipal Police Station laban sa suspek.

Hinihinala ng pulisya na selos din ang motibo ng mister sa pamamaslang sa misis na guro. RNT/NT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here