Home NATIONWIDE Tiu Laurel sa BFAR: Mga mangingisdang apektado ng Bataan oil spill tulungan

Tiu Laurel sa BFAR: Mga mangingisdang apektado ng Bataan oil spill tulungan

139
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker na Terra Nova sa Bataan.

Sinabi ni Tiu Laurel, kasalukuyan na ngayong ina-assess ng BFAR ang mga nasirang lugar upang madetermina ang uri at lawak ng tulong na ipagkakaloob sa mga apektadong mangingisda.

Nakipag-ugnayan na ang BFAR sa third-party laboratories para suriin ang water samples sa paligid ng tumaob na motor tanker para madetermina ang presensiya ng langis at grasa, kabilang na ang mapaminsalang contaminants gaya ng polycyclic aromatic hydrocarbons.

“For now, we can only give fuel vouchers so fishermen can go to nearby fishing grounds,” ayon kay Tiu Laurel.

“I also asked BFAR to coordinate with DSWD (Department of Social Welfare and Development) so the agency can also give food packs to affected fisherfolk,” dagdag na pahayag nito.

Tinuran pa ng Kalihim na magbibigay din ang BFAR ng dispersants para makatulong na maayos ang tumagas na langis mula sa MT Terranova, lumubog sa may Bataan noong Hulyo 25.

Ang MT Terranova ay may kargang 1.4 million litro ng industrial fuel nang ito’y tumaob. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here