Nagkaisa ang mga gobernador mula sa League of Provinces of the Philippines (LPP) para suportahan ang reeleksyon ni Senate Majority Leader Francis 'TOL' Tolentino, at iba pang mga kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). Bilang tugon, tiniyak ni Tolentino na patuloy syang magtatrabaho para palakasin ang lokal na awtonomiya at ipagpatuloy ang mga adhikain ng administrasyong Marcos.