Home ENTERTAINMENT Jennylyn, nagsayaw kay Dennis, may kapalit!

Jennylyn, nagsayaw kay Dennis, may kapalit!

213
0

Manila, Philippines – Ikinaaliw ng mga netizens ang video ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

In-upload muna ng Kapuso actress ang video while doing an interpretative dance for her husband.

May “hidden agenda” pala si Jen for doing the dance.

Bukod kasi na gusto niyang ipagmalaki ang kanyang skills o talent sa pagsasayaw: “So that he’ll buy me dinner!”

At nang matapos sa pagsasayaw na may kapalit pala, hiningi ni Jennylyn ang opinyon ni Dennis.

“Papa Dennis, pasado ba?” tanong ng aktres na siyempre’y nag-e-expect ng positibong sagot.

Tugon naman ng Kapuso actor: “Naka-order na po!”

Ilan lang ‘yon sa mga funny videos ng mag-asawa which are a delight to their fans.

Sa susunod kaya, ano naman ang gagawin ni Jennylyn na may kapalit uli? Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here