MANILA, Philippines – MAGPAPAHUSAY sa mga serbisyong pampubliko at magsusulong ng transparency ang New Government Procurement Act (NGPA o Republic Act 12009) dahil mapabibilis nito ang procurement procedures kapwa sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan at local government units (LGUs).
Ito ang sinabi ni Senate Majority Floor Leader Francis ‘Tol’ Tolentino matapos saksihan ang pormal na paglagda ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa bagong batas sa Malacañang noong Sabado (Hulyo 20).
“A streamlined and more transparent procurement process means faster and greater efficiency in the delivery of government services. This also means less opportunities for graft and corruption,” ayon kay senator na siya ay naging dating LGU executive bilang mayor ng Tagaytay City.
Sinabi ni Tolentino na kailangan ang NGPA dahil ang naunang bersyon nito, ang Republic Act 9184, na naipasa noong 2003, ay kailangang i-update para makatugon sa pagbabago ng panahon at teknolohiya.
Ang bagong batas ay nagpapakilala ng ilang mahahalagang reporma, kabilang ang:
– Most Economically Advantageous and Responsive Bid (MEARB), na nagbibigay-diin hindi lamang sa pinakamababang presyo, kundi sa iba pang mga salik tulad ng quality, sustainability at social impact.
– Most Advantageous and Responsive Bid (MARB) na nagbibigay-daan sa procuring entities na ikonsidera ang mga salik na lampas sa presyo, gaya ng technical specifications, delivery time, at post-award services.
– Sustainable Procurement na naghihikayat sa mga kasanayang pangkalikasan na isinasaalang-alang ang lifecycle costs ng mga produkto at serbisyo, kabilang ang energy efficiency, recyclability, at environmental impact.
– At panghuli, pinahihintulutan ng RA 12009 ang mga alternative at innovative procurement procedures, gaya ng design-build method. RNT