Home NATIONWIDE Tolentino: Koordinasyon ng ASEAN krusyal sa pagdakip kina Guo, Ong

Tolentino: Koordinasyon ng ASEAN krusyal sa pagdakip kina Guo, Ong

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang kahalagahan ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga awtoridad sa imigrasyon ng mga bansa sa Southeast Asia na nagresulta sa pag-aresto kina Shiela Leal Guo at Cassandra Li Ong sa Indonesia.

Ani Tolentino, napabilis din ang pagpapabalik sa Pilipinas sa dalawa upang harapin ang mga pagtatanong ng Kongreso ukol sa iligal na operasyon ng POGO at mga kaugnay na isyu.

Sa joint Senate committee hearing nitong Martes, tinanong ni Tolentino si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco kung naging mahalaga ang koordinasyon ng ahensya sa counterparts nito sa Singapore, Indonesia, at

Malaysia sa pagsubaybay kina Guo at Ong.
“When we received that information [that the three Guos and Ong traveled to Batam, Indonesia last August 18], I officially wrote a letter to my counterparts in Singapore, Malaysia, and Indonesia,” ang tugon ni Tansingco.

Ipinaliwanag din ni Tansingco na ‘coincidental’ lamang na nagpulong kamakailan ang mga immigration officials mula sa rehiyon sa isang ASEAN Immigration Convention.

Pagkatapos ay tinanong ni Tolentino kung may maayos na koordinasyon din bang ginawa ang BI kaugnay ng mga ulat na ang grupo ng na-dismiss na mayor na si Alice Guo ay talagang patungo sa Golden Triangle.

“If it’s true… that I’ve always heard in the news, that the real destination is the Golden Triangle, would it still be possible to facilitate the return of [Guo]?” tanong ng senador.

“I’m now referring to Thailand, where we have an extradition treaty. I’m now referring to Laos, we don’t have an extradition treaty. I’m now referring to Myanmar, without an extradition treaty. Can you still do that?” patuloy ni Tolentino.

Sumagot si Tansingco sa pagsang-ayon at binanggit na sumulat din ang ahensya sa mga awtoridad ng Hong Kong batay sa impormasyon na lumipad si Wesley Guo sa Hong Kong sa pagdaan sa Singapore. RNT