MANILA, Philippines- Habang naghahanda ang bansa sa posibleng bagong super typhoon na pinangalanang Leon, nanawagan si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maghatid ng mas tumpak at tiyak na pagtataya ng panahon upang mabawasan ang matinding epekto ng mga bagyo.
Ginawa ni Tolentino ang mungkahing ito sa kanyang programa sa radyo, Usapang Tol, at binigyang-diin ang kahalagahan ng “clear and quantifiable data” sa weather bulletins ng PAGASA upang maiwasan ang mga sakuna sa hinaharap.
“PAGASA should not only release warnings like signal numbers 3 or 4. They should also specify the expected amount of rainfall in concrete terms,” ang payo niTolentino.
“For example, they could say that the rainfall will be three times heavier than usual, or provide other clear indicators. This would be more understandable and could save lives. What happened in Talisay, where residents were caught off-guard by the volume of rainfall, could have been avoided with clearer warnings,” dagdag ng senador.
Sa parehong programa, nakapanayam ni Tolentino si Talisay, Batangas Mayor Nestor Natanauan, na kinumpirma na 20 buhay ang kalunos-lunos na nawala dahil sa landslide bunsod ng nagdaang Bagyong Kristine.
Kabilang sa mga namatay ay 15 menor de edad at limang nasa hustong gulang.
Sinabi ni Mayor Natanauan na hindi na papayagang makabalik ang mga residente sa lugar na apektado ng pagguho ng lupa dahil sa mataas na peligro ng pag-ulit.
“With another powerful typhoon like Leon on the way, the residents should be in safe locations. Just as we designated safe areas during the Taal Volcano eruption, it’s crucial that we have secure evacuation sites prepared,” ipinayo ni Tolentino.
Bilang tugon sa mga natural na kalamidad, dati nang pinangunahan ni Tolentino ang isang proyektong pabahay na pinakinabangan ng 400 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal.
“They are now safe, thanks to Senator Tolentino’s efforts,” sabi ni Natanauan bilang pasasalamat kay Tolentino.
Personal na binisita ni Tolentino ang mga apektadong lugar sa Talisay para magbigay- galang at saksihan ang paglilibing sa mga nasalanta ng landslide. RNT