Home NATIONWIDE Tolentino sa isyu ng pagpapatala sa WPS: Walang listahan, talaan ng mga...

Tolentino sa isyu ng pagpapatala sa WPS: Walang listahan, talaan ng mga dagat

177
0
oppo_2

MANILA, Philippines – Nilinaw ni dating Senator Francis Tolentino na walang anumang pagpapatala ng mga dagat, o katubigan gaya ng iginiit ng ibang Senador at pinagtatalunan kung nasa talaan ang West Philippine Sea (WPS).

Paliwanag ni Tolentino sa Kapihan sa Manila Bay, ang talaan talaga na nasa UN o sa Division of Ocean Affairs Law of the Sea ay mga coordinates, mga maritime entitlements o mga zones.

“Walang listahan, walang talaan ng dagat,” ayon kay Tolentino.

Sinabi rin ng dating senador na ang West Philippine Sea ay nailagay sa Administrative Order noong 2012 sa ilalim ng dating Pangulong Benigno Aquino III na kalaunan naman ay isinabatas sa Republic Act 12064.

“West Philippine Sea is a political name or administrative ordinances. You don’t register an ocean. You don’t register a sea. You don’t register a river. Ang nireregister natin ay yung coordinates or charts, nagawa na natin yun noong 2009,” diin pa ni Tolentino na siyang principal author at sponsor ng Landmark Philippine Maritime Zones Act (Republic Act 12064).

Dagdag pa ni Tolentino na ang mapa ay cartographic drawing lamang at hindi ang tumpak na instrumento dahil coordinates ang inireregister at siyang tumpak na instrumento.

Samantala, naniniwala ang dating senador na hindi na mga ‘trolls’ ngayon ang nagpapadala ng maling impormasyon o misinformation at disinformation kaugnay sa West Philippine Sea (WPS) kundi mga ibang “pulitiko.”

Kaya naman aniya, dapat ang trabaho ng Department of Foreign Affairs ay ang magkaroon ng patuloy na pagpapakalat ng tamang impormasyon lalo na’t papalapit na ang ASEAN summit.

Huwag din aniyang makinig sa mga fake news at maling impormasyon.

“Kasi kung makinig tayo sa kailangan ng ‘mapa,’ kailangan ng ganito, dun tayo nagdedebate. Yun ang misinformation,” ani Tolentino.

Binigyang-diin naman ni Tolentino na hindi layunin na magkaroon ng giyera sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga nangyayari ngayong kaguluhan sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa dating Senador, ang layunin na ginagawa ng Pilipinas ay maipagtanggol ang karapatan ng ating mga mangingisda at ayaw ng bansa ng digmaan.

“We don’t want that to happen as well but perhaps you’re aware that a lot of things are happening internally within both sides,” pahayag ni Tolentino.

Aniya, ang ating ipinaglalaban ay sang-ayon lagi sa batas kung saan ang mayroon aniya tayo bilang sandata ay ang batas at ang inaasahan natin ay respeto.

Giit niya, tama ang ginagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“What we don’t do is coercion, aggression, ang assertion,” sabi ni Tolentino.

“Ayaw natin ng digmaan,” saad pa ng dating senador. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here