Home ENTERTAINMENT Tom at Clint, may ‘something’!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Tom at Clint, may ‘something’!May 23, 2024 13:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Balot ng intriga ang pag-follow ng hunk model at part-time actor na si Clint Bondad kay Tom Rodriguez sa Instagram.Hindi na sana mahahaluan ito ng kakaibang kulay kung isa lang si Tom sa mahigit na 600k na pina-follow ni Clint.Isa kasing netizen ang nag-post sa X (dating Twitter) ng screenshot ng following list ng dating nobyo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.Dating may 618k ang total na bilang ang pina-follow ni Clint sa IG.At iisa na lang ngayon, si Tom nga.In the same manner, pina-follow din ng dating asawa ni Carla Abellana si Clint.Doon na gumana ang malilisyosong isip ng mga netizens.What’s with Clint’s following Tom on IG?Do they have a long-standing friendship?Matatandaang naging kontrobersyal si Clint noong magkasintahan sila ni Catriona.Taong 2019 nang matuldukan ang kanilang relasyon that lasted for six years.Naugnay din ang pangalan ni Clint sa Thai billionaire at Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip.The Thai transgender, however, denied their romantic involvement.Samantala, Tom is back in harness makaraan ng ilang taon ding pamamalagi sa US following his separation from Carla.Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Tom na may bago na siyang nobya.‘Yun nga lang, sinasadya raw niyang ipagdamot ang kanyang lovelife, wanting it to remain private this time around.Marami ang naiintriga kung ano ang kunek ni Clint kay Tom.Hindi raw kaya si Clint ang naging instrumento para matagpuan ni Tom ang kanyang newfound love, as in si Clint ang “bridge”?Bukas ang Remate Online sa panig nina Tom at Clint para sa ikalilinaw ng isyu. Ronnie Carrasco III