Home METRO Tomas Morato Ave, ilan pang kalsada isasara sa Marso 23

Tomas Morato Ave, ilan pang kalsada isasara sa Marso 23

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Quezon City government nitong Biyernes na isasara ang Tomas Morato Avenue at ilang kalsada malapit dito sa Sabado ng hapon kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s Month.

Sa post sa social media account nito, inabisuhan ng Quezon City government ang mga motorista na iwasan ang mga lugar at sumunod sa rerouting plan.

Isasagawa ang Kababaihan Festival 2024, isang street dance competition sa lugar. Dadaluhan ito ni Mayor Joy Belmonte at iba pang city officials.

Isasara ang mga sumusunod na kalsada mula alas-2:30 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi sa Marso 23:

  • Scout Tuason/Scout Limbaga

  • Scout Tuason/Scout Fuentebella

  • Scout Tuason/Dr. Lazcano

  • Scout Torillo/Scout Rallos

  • Scout Torillo/Scout Fernandez

  • Scout Torillo/Scout Gandia

  • Scout Torillo/Scout De Guia

  • Scout Torillo/Scout Delgado

  • Scout Torillo/Scout Castor

  • Kahabaan ng Tomas Morato Avenue mula Timog Avenue hanggang Don Roces Avenue.

Pansamantala namang gagamitin ang mga sumusunod na daan bilang public parking:

  • Scout Limbaga

  • Scout Fernandez

  • Scout Fuentebella

  • Scout Gandia

  • Scout De Guia

  • Scout Delgado

  • Scout Lozano

  • Scout Castor.

Bukas ang Timog Avenue sa trapiko.

Magde-deploy din ng mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang asistihan ang publiko. RNT/SA