Home NATIONWIDE Access ng mga menor-de-edad sa online gambling pinaiimbestigahan ni Lapid

Access ng mga menor-de-edad sa online gambling pinaiimbestigahan ni Lapid

MANILA, Philippines- Naghain ng resolusyon si Senador Lito Lapid na naglalayong imbestigahan ang online gambling acces ng kabataan sa under-regulated online at mobile platforms na sumisira sa moralidad ng murang edad.

Sa inihaing Senate Resolution No. 963, sinabi ni Lapid, chairman ng Senate committee on games and amusement, na tungkulin ng gobyerno na magbigay ng protektibong tindig sa pagtiyak na hindi nalalantad ang mga kabataan sa negatibong epekto ng pagsusugal.

“While the Senate recognizes the economic gains brought about by gambling operations in the Philippines and around the world, it should not come at the cost of our youth,” ani Lapid sa PSR 963.

“One way to protect the Filipino youth is to examine seemingly harmless platforms such as social media sites…and payment hubs, and the like to ensure that they are not being misused for illegal online gambling activities. Sufficient safeguards and programs must be in place to prevent Filipino children from being lured and victimized by online gambling,” dagdag niya.

Sa pagsusulong ng imbestigasyon, iginiit ni Lapid na tumaas ang bilang ng banta sa cybercrime sanhi ng online gambling tulad ng estafa at identity theft, at “the inexperience and naivete of our youth would make them much more vulnerable to these malevolent acts.”

“There is [a] need to investigate the regulation of gambling activities and the platforms on which they are accessed to prevent the corruption of the youth towards the vice of gambling,” giit ni Lapid.

“The proposed legislation is deemed instrumental to lessen, if not at all eliminate, the exposure and impact of gambling to the general public, especially the youth, that brings lasting damage to individuals, families, and even communities,” dagdag ng senador Lapid.

Ayon kay Lapid, delikadong malulong ang kabataan sa online gambling dahil maaga silang nalalantad sa bisyo sa pamamagitan ng social media platforms tulad ng Facebook, X, Instagram, at Tiktok.

Ito rin aniya ay makasisira sa kanilang pagpapahalaga (values) at moralidad (morality) kung hindi maaagapan ng gobyerno.

“Kung ang kabataan ay nakalulusot sa paglalaro sa online gaming, papaano natin sila palalakihin ng maayos at may moralidad sa buhay. Nakalulungkot na masisira ang pagpapahalaga ng ating kabataan sa masamang bisyong ito at posibleng maitaya pa nila ang konting baon sa eskwela. Ang masaklap pa nito, baka maging mitsa ito ng pang-uumit sa kanilang mga magulang at matuto na rin silang magnakaw, gaya sa mga karakter sa FPJ’s Batang Quiapo,” ani Lapid.

Sinabi pa ng senador na napakadaling maglagay ng aplikasyon sa cellphone at ibang mga mobile devices para sa online gambling. Ito ay kadalasang hindi nababantayan ng mga magulang. Napakadali ring magparehistro dito sapagkat pangalan at edad lamang ang kailangan.

Kabilang sa mga online gambling na kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon ay ang poker, roleta, color games at iba pang sugal na tulad ng casino. Ernie Reyes

Previous articleTomas Morato Ave, ilan pang kalsada isasara sa Marso 23
Next article2 opsyon para mapabalik si Teves tinatalakay ng PH, Timor Leste