Home HOME BANNER STORY Tonga, Mariana Islands niyanig ng lindol; walang banta ng tsunami sa Pilipinas

Tonga, Mariana Islands niyanig ng lindol; walang banta ng tsunami sa Pilipinas

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Tonga Islands nitong Sabado, Abril 6, sinabi ng German Research Center for Geosciences (GFZ).

Ayon sa ulat, ang lindol ay may lalim na 10 kilometro.

Samantala, niyanig din ng magnitude 6.7 na lindol ang Mariana Islands bandang 7:03 ng gabi nitong Biyernes, Abril 5.

Siniguro naman ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami kasunod ng lindol na ito.

”No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only, and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” ayon sa PHIVOLCS. RNT/JGC