UNITED STATES – Naka-high alert ang Estados Unidos sa posibleng pag-atake ng Iran target ang Israeli o American assets sa rehiyon bilang tugon sa strike ng Israel sa Iranian embassy sa Syria.
“We’re definitely at a high state of vigilance,” sinabi ng isang US official.
Nitong Lunes, Abril 1 ay binomba ng hinihinalang Israeli warplanes ang Iran embassy sa Damascus na kumitil sa buhay ng isang Iranian military commander.
Ayon sa Iran Islamic Revolutionary Guard Corps, pitong Iranian military advisers ang nasawi sa naturang strike kabilang si Mohammad Reza Zahedi, senior commander ng Quds Force, isang elite foreign espionage at paramilitary arm.
Sinabi ng Iran na may karapatan ito “to take a decisive response.”
Pinag-usapan na nina U.S. President Joe Biden at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang banta mula sa Iran.
“Our teams have been in regular and continuous contact since then. The United States fully supports the defense of Israel against threats from Iran,” sinabi ng isang opisyal mula sa administrasyon ni Biden. RNT/JGC