Home ENTERTAINMENT Toni, magbabalik TV?

Toni, magbabalik TV?

Manila, Philippines – Marami ang naiintriga at nagtatanong kung ano kaya ang pakay sa pagkikita nina Toni Gonzaga at dating presidente ng ABS-CBN na si Ma’m Charo Santos.

Nag-post ang TV host -actress sa kanyang social media accoubt tungkol sa meeting na ito kasama pa ang asawa niya na si direk Paul Soriano at may caption na “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you.”

Kaagad nag-comment ang kapatid na si Alex Gonzaga ng “Exciting,” at karamihan sa mga nagkomento ay na-miss na raw ang pagbabalik telebisyon ng TV host na anila ay matagal tagal na rin nawala sa free TV at sa vlog na lamang napapanood.

Nagtatanong tuloy ang ilan kung babalik daw kaya si Toni bilang host ng PBB ng Kapamilya network? May gagawin kaya silang movie ni Toni bilang direktor naman ang asawa nito?

May ibang show kayang gagawin ang TV host sa Kapamilya at si Ma’m Charo ang kinakausap?

Ilan lamang ito sa katanungan ng netizens.

Matatandaang nag-voluntary exit si Toni Bilang host ng PBB o sa madaling salita ay nag-resign no’ng February 2022 dahil sa kanyang political color last election, na nakaapekto sa kanyang karera sa Kapamilya.

Well, sana nga ay muling mapanood si Toni sa ABS-CBN. Miss na kasi siyang mapanood ulit ng kanyang mga tagahanga sa telebisyon. Rommel Placente