Manila, Philippines – Humiling na ang Gabriela Women’s Party at ang pamilya ni Mary Jane Veloso kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyan ang naturang OFW ng clemency sa pamamagitan ng paghahain ng House Resolution 2128.
Sa kabilang banda ay tinuligsa rin ng grupo ang patuloy na labor export policy ng gobyerno na bumibiktima sa mga Pinay.
“Mary Jane Veloso’s case starkly illustrates how the government’s labor export policy continues to endanger Filipino women. Desperately seeking work abroad due to the lack of decent jobs at home, our women become vulnerable to trafficking syndicates and exploitation. Hindi dapat ginagawang kalakal ang ating mga kababayan!”, ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas.
Sa nabanggit na resolusyon ay nakapaloob dito ang agarang aksyon sa kaso ni Veloso habang isinusulong ang pagpapatupad ng isang sistematikong pagbabago upang maiwasan na magkaroon ng kahalintulad na trahedya sa hinaharap.
“How long will the government continue sending our people abroad to face risks and dangers? President Marcos Jr. must urgently grant clemency to Mary Jane and prioritize policies that promote genuine national industrialization and agricultural development to create decent jobs in the country.”
Ani Brosas ang kaso ni Veloso ay nagrerepresenta sa libong mga Pilipina na napipilitang magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kawalan ng trabaho at oportunidad sa Pilipinas.
“Mary Jane deserves justice, and all Filipino women deserve the right to decent work in their own country. The labor export policy must end and be replaced with genuine industrialization,” giit pa rin ng mambabatas. (Meliza Maluntag)