Home NATIONWIDE Dagdag 42 provincial board member seat idinagdag ng Comelec sa 2025 elections

Dagdag 42 provincial board member seat idinagdag ng Comelec sa 2025 elections

Karagdagang 42 na puwesto ng provincial board member ang paglalabanan sa 2025 national at local elections (NLE), ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Kamakailan ay inilabas ng poll body ang Comelec Resolution No. 11085, na nag-amyenda sa mga bakanteng puwesto ng provincial board para sa halalan sa susunod na taon alinsunod sa kautusan ng Department of Finance (DOF), na nag-aayos sa income classification ng 22 lalawigan sa bansa.

Kabilang sa mga probinsya ang Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Quirino, Aurora, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Guimaras, Siquijor, and Biliran. Kasama rin ang Southern Leyte, Camiguin, Davao Occidental, Agusan del Norte, Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao del Norte, at Tawi-Tawi.

Gayundin ang Southern Leyte, Camiguin, Davao Occidental, Agusan del Norte, Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao del Norte, and Tawi-Tawi.

Ang lahat ng mga lalawigan ay pinaglaanan ng dalawang karagdagang puwesto ng provincial board member maliban sa Maguindanao del Norte, na ang puwesto ay binawasan mula 10 hanggang walo.

Sa kaso ng Biliran, ang mga pamamaraan sa ilalim ng Local Government Code ay nagsasaad na ang bakante ay pupunan sa pamamagitan ng appointment/s na ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)