MANILA, Philippines – Mariing nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko laban sa ilang indibidwal na umano’y nagpapanggap kay Secretary Juanito ‘Jonvic’ Remulla para humingi ng kontribusyon para sa ilang organisasyon.
“Pakisabihan na hindi ako engaged, ni hindi ko pinahintulutan ang sinumang tao na makisali sa mga naturang solicitations,’’ ayon sa DILG.s
Mismong si Remulla ay hinimok ang publiko na huwag i-entertain ito at agad na mag-ulat sa 0968-878-3561 sakaling may makatanggap ng naturang solicitation para sa mga kahilingan sa pondo.
Nauna rito, binalaan ni Remulla ang mga tauhan ng DILG na huwag tumanggap ng regalo alinsunod sa no-gift policy para sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno.
Idinagdag ng DILG na “magalang na ibabalik ng departamento ang anumang mga regalong ipinadala.”
Kaugnay nito bilang kapalit ng mga naturang regalo, sinabi ng DILG na ang mga kinauukulan ay “maaaring isaalang-alang ang pagbibigay ng donasyon sa iyong napiling kawanggawa.”
Sinabi pa ng DILG na ang kalihim ay “nagpapahayag ng kanyang taos-pusong pagpapahalaga sa iyong katapatan at pinakamabuting hangarin,” sabi pa ng paunawa.” (Santi Celario)