Home NATIONWIDE Ika-125 anibersaryo ng Korte Suprema, ipagdiriwang sa Hunyo 11

Ika-125 anibersaryo ng Korte Suprema, ipagdiriwang sa Hunyo 11

3
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Ipagdiriwang ng Korte Suprema ang ika-125 anibersaryo nito bukas, June 11, na magsisimula sa isang misa sa Padre Faura, Manila at pangungunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo. 

Itinatag ang SC noong 1902, at idineklara ni Pangulong Marcos ang buwan ng Hunyo bilang “Judiciary Month” para bigyang-diin ang papel ng hudikatura sa hustisya. 

Sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No.1265, binigyan-diin ng Pangulo ang pangangailangan  na higit pang palakasin ang kamalayan at pagpapahalaga ng publiko sa Hudikatura bilang haligi ng demokratikong pamahalaan sa pamamagitan ng paglalaan ng mas mahabang panahon para sa mga programa at aktibidad na natataguyod ng integridad,kalayaan,pananagutan ,at kahusayan sa hudikatura.

Magbibigay si Chief Justice Gesmundo ng mensahe para sa anibersaryo sa lahat ng opisyal at kawani ng hudikatura at susundan ng silang aktibidad.

Kasama sa pagdiriwang ang awarding ceremony ng Ai Hackaton 2026: Building Today for the Future , exhibit, public tours, contests, fun run, commemorative Beep Cards, at pagdeklara ng SC building bilang “Important Cultural Property.” 

Maglalabas din ang BSP ng commemorative coins at stamps naman sa PhilPost  at iba pang philatelic products bilang parangal sa kasaysayan at pamana ng SC.

Bukod dito, ilulunsad din ang “Model SC” na isang educational program para sa mga senior high students ng Manila Science High School. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here