Home NATIONWIDE Visayas, Mindanao grid nasa yellow alert

Visayas, Mindanao grid nasa yellow alert

1
0

MANILA, Philippines – Isinailalim sa yellow alert ang Visayas at Mindanao grids nitong Miyerkules dahil sa mataas na demand sa kuryente at kakulangan ng available na suplay mula sa ilang power plant.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), epektibo ang yellow alert sa Visayas mula alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Naitala ang available capacity sa 2,556 megawatts (MW), habang inaasahang aabot sa 2,423 MW ang peak demand.

Sinabi ng NGCP na 35 power plants ang hindi gumagana o may limitadong operasyon, dahilan upang mawalan ng 893.8 MW na suplay sa grid.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan ng yellow alert ang patuloy na hindi operasyon ng malalaking coal plants na Therma Visayas Inc. (TVI) 1 at 2, at Panay Energy Development Corp. (PEDC) 3, kasabay ng mataas na demand sa kuryente.

Samantala, isinailalim din sa yellow alert ang Mindanao grid mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon sa NGCP, may available capacity na 2,731 MW habang ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,611 MW.

Sinabi ng grid operator na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao ang operasyon ng ilang malalaking power plant sa rehiyon, na nagdulot ng mas mababang operating margin.

Ang yellow alert ay nangangahulugang kulang ang reserbang suplay ng kuryente upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid, ngunit hindi pa ito nangangahulugan ng agarang brownout. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here