Home NATIONWIDE Ilang empleyado sa Senado pinigilan pumasok dahil sa heightened security

Ilang empleyado sa Senado pinigilan pumasok dahil sa heightened security

3
0

MANILA, Philippines – Ilang empleyado at mga mamamahayag ang hindi pinayagang makapasok sa Senado nitong Miyerkules matapos ipatupad ang mas mahigpit na seguridad dahil sa umano’y banta sa institusyon.

Kabilang sa mga hinarang ng Senate security sa gate ang mga staff nina Sen. Loren Legarda at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan. Ayon sa isang security personnel, inabisuhan sila na darating umano si Legarda sa Senado.

Samantala, isang bisitang nagsabing hihingi ng tulong pinansyal sa opisina ni Sen. Robin Padilla ay hindi rin pinapasok.

Nakasaad sa memorandum na inilabas noong Martes na may “temporary no-visitor policy” na ipinatutupad sa Senado, ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian.

Ayon sa isang opisyal ng Office of the Sergeant-at-Arms, hindi lockdown ang Senado, ngunit may mga empleyado pa ring pinayagang makapasok sa gusali.

Sa labas ng Senado, makikita ang mga security personnel na nagche-check ng listahan bago magpapasok ng mga tao.

Dagdag pa ni Gatchalian sa hiwalay na advisory, pinahihintulutan ang mga empleyado na mag-work from home nitong Miyerkules at Huwebes dahil sa security threat na iniulat ng National Bureau of Investigation. RNT/MND (larawan ni Cesar Morales)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here