Home NATIONWIDE Special elections sa Dasmariñas, Cavite gaganapin sa Agosto 29 – Comelec

Special elections sa Dasmariñas, Cavite gaganapin sa Agosto 29 – Comelec

2
0

MANILA, Philippines – Gaganapin ang special elections sa nag-iisang legislative district ng Dasmariñas, Cavite sa Agosto 29, 2026 kasunod ng pagpapatalsik ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay dating Rep. Kiko Barzaga, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules. 

Nauna nang sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na dapat magsagawa ng special elections nang hindi mas maaga sa 60 araw ngunit hindi lalampas sa 90 araw matapos mabakante ang puwesto.

Si Barzaga ay pinatalsik noong Hunyo 2 dahil sa kanyang “disruptive” at “disorderly behavior.” 

Sinabi rin ni Garcia na magkakaroon ng coordinated meeting ang poll body sa Huwebes kasama ang mga security forces, opisyal ng Dasmariñas, Cavite, at mga ahensya ng gobyerno na kasangkot sa pagsasagawa ng espesyal na halalan.  

Samantala sinabi ni Garcia na sumulat na siya sa Pangulo para sa karagdagang pondo at umaasa na makakuha mula sa contingency fund.

Idinagdag ni Garcia na hiniling niya sa finance department ng Comelec na maghanap ng savings o magmungkahi ng realignment mula sa kasalukuyang badyet. 

Muli niyang iginiit na kakailanganin ng poll body ang partikular na halaga dahil mayroong higit sa 437,000 rehistradong mga botante sa distrito, na mangangailangan ng karagdagang materyales sa halalan at honoraria para sa mga guro na magsisilbing electoral board members sa araw ng halalan. 

Ayon kay Garcia, ito ay isang hamon para sa Comelec ngunit aniya ang kakulangan ng pondo ay hindi isang dahilan upang hindi isagawa ang halalan dahil sinabi ng Korte Suprema na ang Comelec ay dapat maghanap ng badyet para sa espesyal na halalan.

Matatandaan na huling pagkakataon na nagsagawa ng espesyal na botohan ang poll body ay noong Marso 14, 2026 matapos mamatay si dating Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop noong 2025.

Ang anak ni Acop na si Philip Conrad o “Bong” ay nahalal matapos makakuha ng 60,051 sa 82,796 na boto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here