Home NATIONWIDE PBBM bibisita sa GenSan ngayong araw kasunod ng M-7.8 na lindol

PBBM bibisita sa GenSan ngayong araw kasunod ng M-7.8 na lindol

1
0

MANILA, Philippines – BYAHENG MINDANAO ngayong araw ng Miyerkules si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para personal na makita at mabisita ang mga lugar na matinding tinamaan ng nagdaang pagyanig.

Sa General Santos ang destinasyon ng Pangulo kung saan ay isang ospital at dalawang paaralan ang pupuntahan nito.

Sa katunayan, unang sasadyain ng Pangulo ang St. Elizabeth Hospital sa Santiago Boulevard, National Highway sa General Santos City.

Susunod namang pupuntahan ng Presidente ang General Santos City Oval Plaza kung saan ginagawa ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang residente sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Mula rito ay didiretso ang Pangulo sa Purok Cahilsot Village para inspeksiyunin ang Romana Acharon Central Elementary School at susunod namang inspeksiyunin ang General Santos National Highschool sa Rizal., Calumpang, General Santos City.

Iyon nga lamang, bago pa muna pumunta ang Pangulo sa GenSan ay pupuntahan muna nito ang San Francisco High School sa Bago Bantay, Quezon City na nagagamit na ngayon ng mga estudyante matapos na masunog ang isang gusali nito nuong June 2025. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here