Home ENTERTAINMENT Toni, sinabing ‘di takot mamatay!

Toni, sinabing ‘di takot mamatay!

231
0

Manila, Philippines – Waalang kagatul-gatol na sinabi ni Toni Gonzaga na hindi siya natatakot mamatay.

Handa naman daw siya sakaling dumating na ang takdang araw na kailangan na siyang kunin ni Lord at tuluyan nang lisanin ang mundo.

Sa New Year’s episode ng online show ng aktres-TV host na “Toni Talks” kung saan nakasama niya ang mga kaibigang sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales, nabanggit niyang hindi raw siya natatakot mamatay dahil alam niya kung saan siya mapupunta.

Sa naturang vlog kasi ay isa-isang sinagot ng magkakaibigan ang mga personal at maiintrigang tanong na mabubunot nila.

Isa sa nakuhang tanong ni Toni ay, “Are you afraid to die and why?”

Ang sagot ng ate ni Alex Gonzaga ay, “no.”

Katuwiran niya ay alam niya kung saan siya mapupunta. Na ang ibig niyang sabihin ay sa heaven ang magiging destinasyon niya sakaling bawiin na nga ni Lord ang hiram niyang buhay.

Naniniwala rin siya na hindi pababayaan ni Lord ang kayang pamilya at gagabayan sila ng nasa Itaas, lalo na ang dalawa niyang mga anak na sina Seve at Polly.

‘Yun nga raw ang lagi niyang dasal sa Itaas, na alagaan ang kanyang pamilya.

Pero dagdag ni Toni, ayaw pa muna niyang mamatay. Ang pamilya raw niya kasi ang number 1 reason kung bakit gusto pa niyng manatili sa mundong ibabaw. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here