MANILA, Philippines – Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagpapatuloy na ngayon ang search and rescue operations kasunod ng landslide sa isang landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City na ikinasawi ng isang indibidwal at ikinasugat ng 12 iba pa.
Sa situational report ng NDRRMC nitong Biyernes, Enero 9, ang insidente ay nangyari 4:17 ng hapon nitong Huwebes.
“Initial reports indicate that several individuals may be trapped in the debris. Search and rescue operations are currently underway,” dagdag pa.
Sa ngayo ay biniberipika ng NDRRMC ang ulat na may isang nasawi at 12 ang sugatan, kasama ang 38 iba pang nawawala.
Isinasagawa ang rescue operations ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at iba pang stakeholders ng lokal na pamahalaan. RNT/JGC