Home NATIONWIDE “Too-good-to-be-true” online job offers, ibinabala ng PNP

“Too-good-to-be-true” online job offers, ibinabala ng PNP

186
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa mga online job offers na nangangako ng malaking kita, madaling trabaho, at bonus cash sa pag-apply. Madalas, ito ay senyales ng scam, lalo na kapag humihingi ng reservation fees.

“Beware of the too good to be true offers. Kung masyadong maganda yung offer, masyadong malaki yung kita na sinasabi na salary natin and also pag may mga reviews doon basahin din natin. Kasi, kadalasan sila din mismo gumagawa ng mga reviews at pinopost sa mismong platform,” ani Lt. Wallen Mae Arancillo ng PNP-ACG.

Batay sa datos ng PNP-ACG, 385 online employment scam cases ang naitala noong 2025. Mula Enero 1 hanggang Pebrero 26 ngayong taon, 13 na insidente na ang naitala. Karaniwang target ang mga virtual assistant at iba pang trabaho, sa opisina man o work-from-home setup, sa lokal at abroad.

Para sa mga nabiktima, payo ng PNP:

–Mag-screenshot ng usapan sa social media.

–I-secure ang transaction history mula sa mobile banking o e-wallet.

–Kolektahin ang dokumento bilang ebidensya.

–I-report agad sa PNP-ACG.

Ani Arancillo, “Timely reporting is very important, since yun nga yung mga ginagamit na accounts ay pwede nilang i deactivate and it would be a challenge na naman sa atin.”

Ang mga scammers ay puwedeng kasuhan sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code at Section 6 ng Cybercrime Prevention Act (RA 10175). Mayroon nang Memorandum of Understanding ang PNP sa social media platforms upang mapabilis ang imbestigasyon sa ganitong mga kaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here