ALLACAPAN, Cagayan – Bumagsak na sa kamay ng alagad ng batas ang tinaguriang numero uno Top Most Wanted Person sa rehiyon dos sa Brgy. Silagan, Allacapan, Cagayan.
Sa direktiba ni PCol. Lee Allen B. Bauding,Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, kinilala ang suspek na si alyas “Allan” na napasakamay ng mga otoridad sa bisa ng Mandamiento De Aresto na pinalabas ng isang Presiding Judge ng RTC, SJR, Branch 21, Santiago City, Isabela sa pangunguna ng Ramon Police Station katuwang ang CIDG Santiago, CFU RSOT CIDG RFU2, RIU2-PIT Isabela West, at RIU-Santiago CIT sa kasong Anti Rape Law (8 counts) na walang nirerekomendang piyansa at kasong Rape by Sexual Assault (2 counts) na may nirerekomendang piyansa na P200,000.00 sa bawat bilang ng kaso.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco