MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Oktubre 12 na ipapaabot ng gobyerno ang lahat ng maaaring tulong sa pamilya, lalo na sa asawa, ng isang Filipino nurse na namatay dahil sa car accident sa Abu Dhabi.
Sa pahayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang mga kinatawan mula sa DMW at Department of Foreign Affairs (DFA) ay lilipad patungong Abu Dhabi para masaksihan mismo ang imbestigasyon ng mga awtoridad ng UAE.
Sinabi ni Cacdac na ang mga tauhan ng gobyerno ay sasamahan ang asawa ng nurse na si Reyna Jane Acheta na nasawi sa isang accident para maiuwi ang labi ng kanyang misis.
Si Kennet Paul ay nagpahayag ng mga pagdududa tungkol sa mga pangyayari sa paligid ng pagkamatay ng kanyang asawa.
Sinabi ni Kennet Paul na hindi niya nakontak ang Filipino nurse sa loob ng tatlong araw bago natagpuan ang bangkay nito.
Nagtataka rin siya kung bakit hindi nakita sa pinangyarihan ang telepono ng kanyang asawa at Emirates ID.
Gayunman sinabi ni Cacdac, na mahirap pangunahan ang imbestigasyon.
“Again, antayin natin ang resulta ng imbestigasyon,” anang DMW chief. Jocelyn Tabangcura-Domenden