Bulacan- Huli ang 51-anyos na lalaking Top 10 Most Wanted Person (Provincial Level) nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) ng pulisya sa bayan ng Norzagaray.
Sa report kay PCOL Franklin Estoro, Officer-in- Charge ng Bulacan, naaresto ang wanted na si alyas ‘Cardo’ ng tracker team ng Norzagaray police katuwang ang Provincial Intelligence Team Bulacan-East bandang alas-5:10 ng hapon nitong Mayo 5 sa Brgy. FVR.
Ayon sa report, ang WOA sa kasong paglabag sa Section 28 (a) ng Republic Act 10591 ay inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 104, Malolos City na may inirekomendang piyansang P180,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray police station ang naarestong akusado para sa tamang disposisyon at dokumentasyon. Dick Mirasol III