Home METRO Kandidatura ni reelectionist Mayor Along Malapitan inendorso ng INC

Kandidatura ni reelectionist Mayor Along Malapitan inendorso ng INC

MANILA, Philippines- Tila tapos na ang laban sa pagka-mayor ng Caloocan.

Ito ay matapos iendorso ng Iglesia ni Cristo si Mayor Along Malapitan bilang mayor muli ng Lungsod ng Caloocan.

Ayon sa isang source, kasamang inendorso ng INC ang ka-tandem ni Mayor Malapitan na si Vice Mayor Karina Teh at ang 20 iba pang miyembro ng local slate ni Mayor Along na Team Aksyon at Malasakit para sa darating na halalan sa Lunes.

Mapalalakas din ng pag-endorsong ito ang kampanya ni Mayor Along na nauna nang tinambakan sa mga pre-election survey ang katunggali nitong si dating Senador Antonio Trillanes.

Matatandaang sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations nitong Mayo, nakakuha ng 82% suporta mula sa mga tinanong na botante si Mayor Malapitan habang 14% lamang ang nakuha ni Trillanes.

Ang pag-endorso ng Iglesia ni Cristo kay Mayor Malapitan ang tila nagsarado nang tuluyan sa pangarap ni Trillanes na maging alkalde ng Caloocan.