Home OPINION PAG-IBIG MPL, NANANATILING ABOT-KAYA AT MABABA ANG BUWANANG INTERES

PAG-IBIG MPL, NANANATILING ABOT-KAYA AT MABABA ANG BUWANANG INTERES

0
PAG-IBIG MPL, NANANATILING ABOT-KAYA AT MABABA ANG BUWANANG INTERES

MAS malaki na ang maaaring mahiram ng mga miyembro sa Pag-IBIG Fund Multi-Purpose Loan (MPL) at mas maikli na ang panahon upang mag-qualify, at mas maraming pagpi­piliang repayment terms.

Sa ilalim ng mas pinagbu­ting Pag-IBIG MPL, maaari nang makahiram ang mga miyembro ng hanggang 90% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Regular Sa­vings, mas mataas ng 12.5% kumpara sa dating 80%.

“Patuloy nating pinagaganda ang ating mga loan program upang lalong tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga miyembro,” sabi ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, Chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees at pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Deve­lopment.

“Ang mga pagbabagong ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos na gawing mas abot-kaya at accessible ang serbisyong pinansyal para sa kapwa natin Pilipino. Sa mas malaking loan at mas madaling eligibility ng Pag-IBIG MPL, mas marami tayong miyembrong matutulu­ngan sa kanilang mga panganga­ilangan.”

Kabilang sa mga pagbabago sa Pag-IBIG MPL ang bagong one-year repayment term bilang dagdag na opsyon sa existing na two at three-year terms nito. Nagbibigay ito ng karagdagang flexibility para sa mga miyembro, upang lalong maiakma ang buwanang bayad sa loan sa kanilang financial capacity.

Binigyang-diin naman ni Pag- IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na sa gitna ng pagpapahusay ng MPL, nananatili pa rin itong abot-kaya dahil sa mababang monthly interest rate na 1.4583%. Dagdag pa niya, ang malaking bahagi ng interes na kinikita mula sa MPL repayments ay bumabalik din sa mga miyembro bilang dibidendo.

“Alam namin kung gaano kahalaga ang Pag-IBIG MPL para sa mga manggagawang Pilipino, dahil ito ay naaasahan nila bilang pambayad ng tuition fees, pampatayo ng maliit na negosyo, pam­bili ng gamot at pambayad ng medical bills, pagpapaayos ng bahay, at pambili ng kasangkapan at iba pang pangangaila­ngan,” sabi ni Acosta.

Noong 2024 lamang, umabot sa mahigit 3.2 milyong miyembro ang nakapag-avail ng cash loans na nagkakahalaga ng P70.3 bilyon—ang pinakamataas na na-release ng Pag-IBIG Fund sa isang taon.

“Lubos na makaaasa ang ating mga miyembro sa patuloy naming pagpapabuti ng prog­ramang ito, gayundin ng iba pa naming mga programa at serbisyo, upang higit na maka­tulong sa kanilang paghahangad ng isang maayos at magandang buhay,” dagdag ni Acosta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here