CAMP OLIVAS, PAMPANGA- Inulat ng mga awtoridad na naaresto ang 10 indibidwal na pawang mga Regional Top Most Wanted Person na pawang mga akusado sa iba’t-ibang mabibigat na kaso bg krimen mula sa 24 oras na ikinasang serye ng manhunt operation ng pulisya sa unang linggo ng buwan ng Hulyo (July 1, 2026) sa magkakahiwalay na lugar sa Central Luzon.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Maituturing na 100% arrest rate ng pulisya sa rehiyon sa kasalukuyang buwan ng July 2026 ang pagkadakip sa sampung (10) Top 10 Regional Most Wanted Person (MWP).
Naaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte na pawang mga sangkot o akusado sa mga krimen gaya ng Murder, Robbery, Carnapping at mga kaso ng Rape.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (Roel Tarayao)