
MANILA, Philippines- Ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng top 20 voting centers sa buong bansa na may pinakamaraming bilang ng mga rehistradong botante.
Matatagpuan ang 18 sa mga ito sa National Capital Region (NCR).
Ang voting center na may pinakamaraming registered voters ay Nagpayong Elementary School sa 2nd District ng Pasig City na may 47,249 botante.
Kabilang din sa listahan ang ilang voting centers sa Manila, Caloocan City, Quezon City, Manila, Taguig City, Las Piñas City, Marikina City, at Muntinlupa City.
Ang dalawa pa sa top 20 list ay ang Santa Cruz Elementary School sa Antipolo City sa Rizal na may 37,688 botante, at Guadalupe Elementary School sa Cebu City sa Cebu Province na may 31,963 botante.
Narito ang listahan ng top voting centers na may pinakamaraming botante ayon kay Comelec Chairman George Garcia nitong Linggp:
Nagpayong Elementary School sa Pasig City: 47,249 voters
Rosauro Almario Elementary School sa Manila: 46,179 voters
Bagong Silang Elementary School sa Caloocan City: 39,765 voters
Commonwealth Elementary School sa Quezon City: 39,120 voters
Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Manila: 39,038 voters
Tenement Elementary School sa Taguig City: 38,911 voters
Santa Cruz Elementary School sa Antipolo City: 37,688 voters
Bagong Silangan Elementary School sa Quezon City: 36,572 voters
Bagumbong Elementary School sa Caloocan City: 35,905 voters
CAA Elementary School-Main sa Las Piñas City: 35,597 voters
Malanday Elementary School sa Marikina City: 35,259 voters
Epifanio Delos Santos Elementary School sa Manila: 33,844 voters
Taguig National High School sa Taguig City: 33,742 voters
Rizal Elementary School sa Taguig City: 33,376 voters
Nagkaisang Nayong Elementary School sa Quezon City: 33,067 voters
Rosa Susano Elementary School (Novaliches Elementary School) sa Quezon City: 32,978 voters
Alabang Elementary School sa Muntinlupa City: 32,655 voters
Guadalupe Elementary School sa Cebu City: 31,963 voters
Fernando Maria Guerrero Elementary School sa Manila: 31,895 voters
Timoteo Paez Integrated School sa Manila: 31,726 voters