Home METRO Huwad na parak, 2 pa naharang sa Comelec checkpoint

Huwad na parak, 2 pa naharang sa Comelec checkpoint

BUTUAN CITY- Arestado ang isang 33-anyos na paralegal candidate na nagpanggap na pulis at kanyang dalawang kasamahan sa Commission on Elections checkpoint sa Barangay Suarez, Iligan City, nitong Biyernes.

Kinilala ni Police Regional Office 10-Regional Public Information Office chief Police Major Joann G. Navarro, ang mga suspek na sina Sal, ng Quezon City, at Ban, 30, at Moh, 47, kapwa mula sa Parang, Maguindanao del Norte.

Naharang ng Iligan City Police Office-Station 2 ang itim na Toyota Fortuner ng mga suspek para sa routine inspection.

“Our ground troops observed suspicious behavior when the front passenger handed a sling bag to the rear passenger, who attempted to hide it, but when questioned the 30-year-old ‘Sal’ falsely claimed to be a PNP member but failed to present valid identification,” ani Navarro.

Natuklasan din ang reflectorized vest na may Highway Patrol Group markings sa front passenger seat, dahilan upang isailalim ng mga awtoridad ang mga suspek sa mas masusing beripikasyon.

Nadiskubre sa pagsisiyasat sa sasakyan ang Glock 17 pistol sa rear compartment, isang .45 caliber pistol sa driver’s seat, isang .45 caliber magazine sa rear, isang Glock 17 Gen 4 9mm pistol, 13 9mm live cartridges, isang Colt MK IV Series 80 .45 caliber pistol, walong .45 caliber live cartridges, dalawang steel magazines para sa .45 caliber pistol, at pirong karagdagang .45 caliber live cartridges.

“During questioning, one of the suspects claimed that the Glock 17 pistol was borrowed from a relative, who allegedly obtained it from a police officer in BARMM who was offering it for sale. This statement is subject to further validation,” ayon sa mga awtoridad.

Sinabi ni Navarro na kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa Bilang 881 (Omnibus Election Code).

Mahaharap din siya sa kasong Usurpation of Authority sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code.

Nasa kustodiya na ng ICPO-Station 2 ang mga suspek, kasama ang mga nasamsam na armas sa sasakyan. Isasailalim ang mga nasabat na baril sa ballistics examination at beripikasyon ng firearm origin at registration. RNT/SA