Home NATIONWIDE VP Sara nakaboto na para sa Eleksyon 2025

VP Sara nakaboto na para sa Eleksyon 2025

DAVAO CITY- Bumoto na si Vice President Sara Duterte nitong Lunes ng umaga para sa 2025 national and local elections sa kanyang bayan sa Davao City.

Dumating si Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS) sa Barangay Matina Crossing lampas alas-8 ng umaga.

Nakasuot ang Vice President ng itim na polo shirt at bumoto sa loob ng cluster precinct number 352.

Kabilang din sa listahan ng mga botante sa DRANHS ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, tumatakbong mayor sa Davao City.

Subalit, si Rodrigo ay kasalukuyang nakaditine sa Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands para sa kasong crimes against humanity para sa umano’y extrajudicial killings sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Ang running mate ng dating presidente sa Eleksyon 2025 ay ang kanyang anak na si incumbent city mayor Sebastian “Baste” Duterte. RNT/SA