Home HOME BANNER STORY Eleksyon 2025 umarangkada

Eleksyon 2025 umarangkada

221
0

MANILA, Philippines- Umarangkada ang national and local elections ngayong 2025.

Alas-5 pa lamang ng umaga ay mayroon nang maagang nagtungo sa mga eskwelahan kung saan boboto ang mga botante para sa kanilang sinusuportahang kandidato.

Ang senior citizens at PWDs ay sa ground floor ng mga paaralan pinapila upang hindi na mahirapan pa sa kanilang pag-akyat panaog ng hagdan.

 

Sa Lakandula Elementary School at Benitez Elementary School, ay makikitang napakahaba na rin ng pila ng mga botante sa bawat polling precinct.

Bagama’t maalinsangan ang panahon, matiyagang naghihintay sa pila ang mga botante.

 

Sa Manuel L. Quezon Elementary School kung saan boboto si dating Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, maraming mga taga-suportang botante ang sabik na siyang makita.

Sa nagdaang kasing mga eleksyon ay sa Rosauro Almario Elementary School bumoboto ang dating alkalde na ngayon ay nais muling bumalik bilang ama ng lungsod.

May mga inilagay namang signage o ‘Gabay sa Pagboto’ at Help Desk sa mga eskwelahan kung saan isasagawa ang botohan.

Samantala, wala ng nakikitang mga namamahagi ng sample ballots sa mga botante na nangangahulugang sumusunod ang mga tao sa panuntunan ng Commission on Elections (Comelec).

Sa ngayon, wala pang naiulat na aberya sa mga polling precinct lalo na sa mga makina na ginagamit sa 2025 elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here