MANILA, Philippines- Nadakip ang 31 hinihinalang taga-suporta ng magkaribal na grupo sa Pidigan, Abra, ayon sa Northern Luzon Command nitong Linggo.
Nahuli umano ang mga indibidwal sa Barangay Laskig matapos magsumbong ng isang residente sa militar ukol sa presensya ng mga armadong kalalakihan noong Sabado.
Naaresto ang 10 indibidwal nang maharang ng militar ang anim na sasakyan.
Narekober din ang ilang high-powered firearms, kabilang ang apat na M16 rifles, isang Bushmaster rifle, at limang .45 caliber pistols.
Nahuli naman ang 21 pang indibidwal sa hiwalay na operasyon, kung saan dalawang .45 caliber pistols ang nakuha.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pidigan Municipal Police Station ang mga suspek, habang gumugulong ang imbestigasyon at ikinakasa ang kaukulang legal action. RNT/SA