Manila, Philippines- Emosyunal man ay nakuhang patawanin ni Jackie Lou Blanco ang mga dumalaw sa huling gabi ng lamay para sa dating karelasyong actor-director na si Ricky Davao sa Heritage Park.
Sa eulogy ‘yon kung saan Jackie was the last one to talk.
Si Jackie Lou ang unang karelasyon ni Ricky with whom he has three children.
Present din ang huling babaeng nakarelasyon ni Ricky na si Mayeth Malca Darroca, isang TV producer.
Taong 2022 nang magkarelasyon sila.
Naroon din si Cheryl Singson na naging bahagi rin ng buhay ng namayapang aktor.
During her eulogy, in-acknowledge ni Jackie Lou sina Mayeth at Cheryl who stood up.
But it was Mayeth who went near Jackie Lou and hugged her.
Jackie Lou thanked her for taking good care of Ricky until his death.
All three–in fact–ay nagkita-kita sa ospital.
Biro nga ni Jackie Lou sa kanyang eulogy, pag magkasama raw silang tatlo’y para silang Aida, si Lorna at si Fe.
Hango ‘yon sa 1991 film kung saan tatlo ang sabay-sabay na karelasyon ng bidang si Miguel Rodriguez.
Pero pag silang dalawa lang daw ni Malca ay angkop ang GMA serye na Dalawang Mrs. Real na tinampukan nina Maricel Soriano, Lovi Poe at Dingdong Dantes.
Jackie Lou’s joke evoked laughter mula sa mga tao sa lamay.
Sa ngayon, nasa tahanan muna ang cremated remains ni Ricky.
May 1 when the award-winning actor succumbed to cancer of the throat.
Ricky will have turned 64 this May 30. Ronnie Carrasco III